Hinihikayat ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan na maisama sa listahan ng educational at field trips ng mga estudyante mula sa elementarya at sekondarya ang pagbisita sa mga farm tourism destinations.

Nakasaad sa ipinasang resolusyon na akda ni Board Member David Francis Ponce de Leon sa ika-123 regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, na ang “farm tourism” ay isang industriya na posibleng maging recreational at educational site. 

Maaari itong maghatid ng iba’t ibang aktibidad gaya ng pagpapakain sa mga hayop, pagpitas ng mga gulay at pagtatanim ng halaman. Maaari ring mapalawig ang kaalaman ng mga estudyante sa iba’t ibang uri ng flora at fauna at maging sa sektor ng agrikultura.

Bukod dito, ang farm tourism ay makakatulong sa pagbibigay ng kabuhayan at kita sa mga mamamayan. Malaki rin umano ang maitutulong ng mga kabataang may kaalaman sa teknolohiya (technologically-inclined) para mapaunlad ang industriya ng “farm tourism.”

Samantala, base sa Republic Act 10816 o Farm Tourism Development Act of 2016, upang maisakatuparan ang pagpapaunlad at pagpapakilala sa industriyang ito kinakailangan na magtulungan ang pamahalaang nasyunal, mga lokal na pamalaan, farm tourism operators, tour operators, educational institution at iba pang ahensya.

Sa pamamagitan ng farm tourism ay maipapakita rin ang yaman ng sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Palawan.

" /> FARM TOURISM DESTINATIONS, NAIS IPAKILALA SA MGA ESTUDYANTE SA LALAWIGAN NG PALAWAN

FARM TOURISM DESTINATIONS, NAIS IPAKILALA SA MGA ESTUDYANTE SA LALAWIGAN NG PALAWAN

Blog Single