DE-KALIDAD NA SERBISYONG PANGKALUSUGAN HATID NG ENVIRONMENTAL SANITATION AND PUBLIC HEALTH LABORATORY NG PROVINCIAL HEALTH OF

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang paghahatid ng wasto at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga Palaweño na may may kaugnayan sa iba’t ibang pagsusuri o diagnostics sa pamamagitan ng Environmental Sanitation and Public Health Laboratory (ESPHL) sa ilalim ng Provincial Health Office (PHO).

Bilang isang tertiary level clinical laboratory sa lalawigan, nakapaloob sa serbisyo nito ang iba’t ibang pagsusuri sa pangkalusugan tulad ng hematology, chemistry, serology, clinical microscopy at microbiology. Kasama rin sa kanilang serbisyo ang water analysis at drug testing.

Ayon kay G. Cyrus Cecilio Caabay, medical technologist II at kasalukuyang unit head ng ESPHL, ang kanilang tanggapan din ang nangangasiwa ng laboratoryo sa lahat ng mga ospital na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan gayundin ang mga Rural Health Units (RHU) at iba pang district hospitals sa mga munisipyo.

Nagbibigay rin sila ng mga pagsasanay at technical assistance sa bawat local health units na saklaw ng kagawaran ng pangkalusugan para magkaroon ng karagdagang kaalaman ang mga medical technologists.

Dagdag din niya na ang ESPHL ang natatanging public health laboratory sa buong Palawan na napagkalooban ng lisensya ng Department of Health (DOH) bilang isang tertiary level laboratory upang magsagawa ng iba’t ibang pagsusuri. Nangangahulugan na ito ay pumasa sa lahat ng pamantayan na ipinapatupad ng naturang kagawaran kaugnay ng pagpapatakbo ng isang laboratoryong medikal.

Masayang ibinalita ni G. Caabay na patuloy ang pagtaas ng bilang na naseserbisyuhan ng kanilang tanggapan. Isang halimabawa nito ay ang serbisyo ng drug testing kung saan umabot sa 3,779 ang naserbisyuhan noong nakaraang taong 2018 kumpara noong 2017 na may 2,600 lamang.

Hinihikayat ni G. Caabay ang mga kababayang Palaweño na tangkilikin ang iba’t bang serbisyong ipinagkakaloob ng kanilang tanggapan.