Patuloy na itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO ang kalinga para sa mga nakatatandang Palaweño o senior citizens, lalo’t higit iyong mga umaabot na sa edad na isang daan o ang tinatawag na centenarian.

Masayang ibinalita ni Gng. Helen G. Bundal, population program officer II ng PSWDO, na mayroong anim na Palaweñong centenarian na tumanggap ng tig-P100,000 insentibo mula sa pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bukod sa naturang insentibo ay tumanggap din ng tig-P10,000 ang bawat centenarian mula sa Pamahalaang Panlalawigan na ipinamahagi nitong huling bahagi ng taong 2018 hanggang ngayong buwang kasalukuyan. Ang mga benepisyaryo ay kinabibilangan nina Gng. Estrella Batiancila, 107 taong gulang mula sa munisipyo ng El Nido; G. Patricio Panez na may edad 100 taong gulang mula sa bayan ng Roxas; G. Teodoro Papa, 101; Gng. Aurelea Cuyao, 105; Gng. Rebecca Butac, 101; at Gng. Josefina Bajet, 101 na kapwa mula sa munisipyo ng Narra.

Ayon pa kay Gng. Bundal, ang naturang mga centenarian ay patuloy na tatanggap ng tig-P2,000 kada taon sa tuwing sasapit ang kanilang kaarawan ayon sa probisyon ng ordinansa na naisakatuparan noong taong 2016.

Napag-alaman rin mula kay Gng. Bundal na ang naitalang mga centenarian ay dumaan sa pagtatasa mula sa DSWD Regional office-MIMAROPA katuwang ang pamahalaang lokal ng munisipyo at Office of the Senior Citizen (OSCA).

Ang pagbibigay ng insentibo sa mga centenarian ay base sa Republic Act 10868 o “An act honoring and granting additional benefits and privileges to Filipino centenarian na nilagdaan noong Hunyo 23, 2016 ni dating Pangulong Benino S. Aquino III.

Hinihikayat naman ni Gng. Bundal ang lahat ng Palaweñong may kaanak na nag-eedad 100 taong gulang pataas na agad na makipag-ugnayan sa OSCA at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at isumite ang mga dokumentong kinakailangan tulad ng birth certificate, baptismal certificate, OSCA ID, Affidavit of at least 80 disinterested persons (friends/relatives who are known to the centenarian), at marriage contract upang maisama sa mabebenepisyuhan.

" /> KALINGA PARA SA MGA PALAWEÑONG CENTENARIAN, PATULOY NA ITINATAGUYOD NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

KALINGA PARA SA MGA PALAWEÑONG CENTENARIAN, PATULOY NA ITINATAGUYOD NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Standard Post with Gallery