91 NA MGA INDIBIDWAL NA DUMATING SA LALAWIGAN NGAYONG ARAW LULAN NG BARKO NG 2GO, PAWANG NEGATIBO SA RAPID DIAGNOSTIC TEST

Blog Single

Nagnegatibo rin sa isinagawang Rapid Diagnostic Test (RDT) ang lahat ng siyamnapu't isang (91) mga indibidwal na pawang mga taga munisipyo ng Palawan na dumating sa lungsod ngayong araw June 28, 2020 lulan ng barko ng 2GO mula sa Kamaynilaan.

Ayon sa kumpirmasyon ni G. Cruzalde Ablaña, Provincial Incident Management Team (IMT) Commander, ang mga ito ay kinabibilangan ng 78 na mga Locally Stranded Individuals (LSIs) at 13 na Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Sumailalim naman umano ang mga ito sa mahigpit na health protocols at sa RDT pagdating ng mga ito sa lungsod.

Samantala, agad ring nasundo ang mga ito ng kani-kanilang mga LGU upang sumailalim sa 14 days quarantine period sa facility ng mga munisipyo maliban na lamang sa isang taga bayan ng Balabac na pansamantala munang mananatili sa quarantine facility ng Pamahalaang Panlalawigan dito sa lungsod habang naghihintay ng sundo nito mula sa kanilang munisipyo.

📷: file PDRRMO