42 NA MGA INDIBIDWAL NA DUMATING SA LALAWIGAN NGAYONG ARAW LULAN NG AIR ASIA AT MILITARY AIRCRAFT, PAWANG NEGATIBO SA RAPID DIAGNOSTIC TEST

Blog Single

Nagnegatibo rin sa isinagawang Rapid Diagnostic Test (RDT) ang lahat ng apatnapu't dalawang (42) mga indibidwal na dumating sa lalawigan ngayong araw, June 26, 2020.

Ayon sa kumpirmasyon ni G. Cruzalde Ablaña, Provincial Incident Management Team (IMT) Commander, unang dumating ang tatlumpu't limang (35) mga indibidwal na pawang mga taga munisipyo ng lalawigan lulan ng eroplano ng Air Asia na dumating kaninang umaga na kinabibilangan ng dalawampu't anim (26) na mga Locally Stranded Individuals (LSI) at siyam (9) na Authorized Persons Outside Residence (APOR) mula sa Kamaynilaan.

Samantala, kasunod namang dumating ngayong gabi, ang pitong (7) mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) na lulan naman ng C295 Military Aircraft mula rin sa Kamaynilaan.

Ang mga naturang LSIs na dumating kaninang umaga ay agad naman umanong nasundo ng kani-kanilang mga LGU matapos na dumaan sa mahigpit na protocol at sumailalim sa Rapid Diagnostic Test kung saan naging negatibo nga ang resulta ng mga ito. Samantala, sasailalim naman umano sa 14 days quarantine period ang mga ito sa facility ng mga munisipyo habang ang 7 ROFs naman na dumating ngayong gabi ay pansamantala munang mananatili sa facility ng Pamahalaang Panlalawigan dito sa lungsod habang naghihintay ng kanilang mga sundo bukas.

📷:file PDRRMO