79 RETURNEES SA LALAWIGAN NGAYONG ARAW, PAWANG NEGATIBO SA RAPID DIAGNOSTIC TEST

Negatibo ang resulta ng Rapid Diagnostic Test (RDT) ng lahat ng mga dumating na Returning Overseas Fipinos (ROFs) at Locally Stranded Individuals (LSIs) sa lalawigan ngayong araw, ika-29 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Ayon kay G. Cruzalde Ablaña, Provincial Incident Management Team Commander, unang dumating kaninang umaga sa Puerto Princesa International Airport ang labing tatlong (13) mga ROFs lulan ng C295 Military Aircraft mula sa Kamaynilaan.

Samantala, kasunod namang dumating ngayong hapon ang 62 na LSIs at 4 na ROFs na sakay naman ng Cebu Pacific mula pa rin sa Maynila.

Sumailalim rin ang mga ito sa health protocols kung saan pawang naging negatibo nga sa isinagawang RDT.

Nasundo na rin umano ang mga ito ng kani-kanilang mga LGU habang may ilan pang naiwan sa facility ng Pamahalaang Panlalawigan dito sa lungsod habang naghihintay ng kanilang mga sundo.

file 📷: PDRRMO