Photo Release June 29, 2020

Nag-donate ng isang unit ng hand washing facility ang Philippine Red Cross Palawan Chapter sa Provincial Government of Palawan upang magamit ng mga kawani ng kapitolyo sa patuloy na pag-iingat upang maiwasan ang COVID-19...

Ayon kay Gng. Agnes Beronio, OIC ng PRC Palawan, nasa 85 units na ng hand washing facilities ang kanilang naipamahagi sa iba't-ibang mga munisipyo ng lalawigan kung saan ang 45 units umano ay nasa Calamian Area na pinondohan naman sa pamamagitan ng Calamian Resilience Network (CRN) habang ang 40 units naman ay naipamahagi na sa mainland municipalities.