Nananatiling malaking bahagi ng mga aktibong kooperatiba sa lalawigan ng Palawan ang binubuo ng pang-agrikulturang uri ng kooperatiba.

Ayon sa pinakabagong datos na ibinahagi ng Provincial Cooperative Development Office, ang Agricultural Cooperatives ang bumubuo ng 65 porsyento ng kabuuang 198 “compliant cooperatives” na patuloy ang operasyon sa buong lalawigan at lungsod ng Puerto Princesa.

Karamihan sa mga ito ay nakatuon sa negosyong pagpapautang na kinabibilangan ng pagpapahiram ng kinakailangang panggastos para sa produksyon ng mga produktong pang-agrikultura.

Ang lungsod ng Puerto Princesa ang nananatiling may pinakamalaking bilang ng kooperatiba na mayroong 74 at umaabot sa mahigit na 73,000 bilang ng mga miyembro. Sinundan ito ng munisipyo ng Narra at Bataraza na binubuo ng 19 at 13 kooperatiba ayon sa pagkakasunod.

Ang kilusang kooperatiba ay isa sa itinuturing na katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pagpapaunlad ng mga komunidad at nakatutulong sa paglikha ng mga trabaho para sa mga miyembro nito.

Ilan sa mga programang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan bilang suporta sa kilusang kooperatiba ay ang pagpapahiram ng dagdag-puhunan (capital) at pagsasagawa ng mga libreng pagsasanay (trainings) para sa mga miyembro ng kooperatiba sa lalawigan.

Ang pag-update ng mga datos ay isinasagawa ng Provincial Cooperative Development Office kada dalawang taon.

" /> AGRICULTURAL COOPERATIVES, PINAKAMALAKING PORSYENTO NG MGA KOOPERATIBA SA PALAWAN

AGRICULTURAL COOPERATIVES, PINAKAMALAKING PORSYENTO NG MGA KOOPERATIBA SA PALAWAN

Blog Single