Maganda ang naging bunga ng programang pagpapautang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa mga aktibong kooperatiba bilang isa sa mga hakbang sa pagpapaunlad ng kilusang kooperatiba sa lalawigan.

Ayon sa Provincial Cooperative Development Office, naging matagumpay ang credit assistance program na kanilang itinataguyod at iginagawad sa mga aktibong kooperatiba sa kadahilanang ito ay nakatulong bilang dagdag-puhunan sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.

Ang programa ay naging instrumento upang mapataas ang kita ng mga benepisyaryong kooperatiba at makapaglikha ng mga trabaho, ayon sa naturang opisina.

“The economic contribution of PCDO credit-assisted cooperatives were generated in terms of employment and income where an average of four (4) staff per cooperative received salaries/honoraria/incentives at an average of not less than Php. 5,000.00/month each which will bring to a total of about P8.0 Million income computed to 32 coops with outstanding loans to the office.”

“It also encourages and facilitate self-help among beneficiaries through their active and involved participation in defining goals, devising means contributing to costs, and implementing and managing projects.”

Ang programang pagpapautang sa mga kooperatiba ay “non-interests bearing loans” kung saan ay kinakailangang bayaran ang halagang inutang sa loob ng 20 buwan. Ang halaga ay idedeposito sa isang “trust fund” at sa pamamagitan ng “roll-over scheme” ay ipapahiram naman sa iba pang kwalipikadong kooperatiba.

Sa kasalukuyan ay may naitalang 95% loan collection efficiency ang Provincial Cooperative Development Office.

Ilan sa mga kooperatibang tumanggap ng pautang mula sa Pamahalaang Panlalawigan noong taong 2018 ay ang Lapu-Lapu Multi-Purpose Cooperative, Sofronio Española Municipal Employees MPC, Coron School of Fisheries MPC, Sofronio Española Farmers Credit Coop at Agricultural Cooperative of Sofronio Española.

" /> PROGRAMANG-PAUTANG NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA MGA KOOPERATIBA, MATAGUMPAY

PROGRAMANG-PAUTANG NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA MGA KOOPERATIBA, MATAGUMPAY

Blog Single