GOBYERNO SA BARANGAY, ISINAGAWA SA BAYAN NG BROOKE’S POINT

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Matagumpay na isinagawa sa ilang barangay ng Brooke’s Point ang Gobyerno sa Barangay, isang programa ng Pamahalaan Panlalawigan na naglalayong mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa taong bayan lalo na sa mga nasa malalayong lugar.

Ang mga barangay na ito ay kinabibilangan ng Malis, Salogon, Saraza, Samariniana, Amas, Oring Oring, Tubtub, Imulnod, Mainit, Poblacion, Aribungos, Barong barong, Ipilan, Mambalot, Maasin at Calasaguen.

Kabilang sa mga isinagawang serbisyo ay pang medikal, dental, pagtugon sa mga kinakailangang dokumento at iba pa.

Hangad ni Governor Jose Ch. Alvarez na ang bawat mamamayang Palaweño ay maabot ng serbisyo ng pamahalaan saan man sa lalawigan.