PDRRMO, NAGRESPONDE NA SA MGA RESIDENTE NG BAYAN NG CORON NA NAAPEKTUHAN NG PAGBAHA NGAYONG ARAW SANHI NG MALAKAS NA PAG-ULAN

Nagtalaga na ng mga tauhan sa bayan ng Coron ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) matapos na makaranas ng pagbaha ang tatlong mga barangay na kinabibilangan ng Bgy. 3, 4 at 5 sanhi ng malakas na pag-ulan na naranasan sa lugar ngayong araw, ika-15 ng Setyembre, taong kasalukuyan.

Ayon kay PDRRMO Jerry Alili, agad siyang nag-deploy ng mga tauhan upang tumulong sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.

Kinumpirma rin ni Alili na mayroong mga kabahayan sa bayan ng Coron ang nasira dahil pinasok ng tubig-baha.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa umano ang assessment na ginagawa ng PDRRMO upang matukoy kung gaano karami ang naapektuhan nito.

Samantala, inabisuhan na rin umano ng PDRRMO ang lokal na pamahalaan ng Coron na magpatupad na ng preemptive evacuation sa mga nabanggit na lugar gayundin sa mga coastal areas ngayong gabi.

Ang malakas na pag-ulan sa bayan ng Coron ay dahil sa namataang Low Pressure Area (LPA) sa lugar.

📷: PDRRMO