GOB. ALVAREZ, NAGLABAS NG BAGONG ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENT PARA SA MGA EMPLEYADO NG KAPITOLYO

Blog Single

Sa bisa ng Memorandum Order 182 series of 2020, muling naglabas ng direktiba si Gob. Jose Ch. Alvarez sa lahat ng mga Department/Unit Heads at Program Managers na simula bukas, Setyembre 16, 2020 ay ipatutupad na ang 70% workforce/work arrangement sa mga opisina sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, ito ay alinsunod na rin sa kautusan ng Civil Service Commission.

Base pa sa kautusan, ipatutupad ang 70% workforce sa mga empleyado maliban na lamang sa mga frontliners kabilang ang Rescue 165, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Hospital Personnel at Medical Practitioners. Habang inaabisuhan naman ang mga buntis at mayroong sakit na magtratrabaho sa ilalim pa rin ng alternative work arrangement.

Kasabay nito ay mahigpit pa rin na ipinatutupad ang social distancing at pagsusuot ng face mask sa lahat ng empleyado ng kapitolyo.