TEENAGE PREGNANCY SYMPOSIUM MAGKATUWANG NA ITINAGUYOD NG POPCOM AT PSWDO SA MGA MUNISIPYO NG ROXAS AT ABORLAN

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Bunsod ng layuning maitaas ang antas ng kamalayaan ng mga kabataang Palaweno patungkol sa usaping pangkalusugan ay matagumpay na naisakatuparan ang magkasunod na “Teenage Pregnancy Symposium” sa mga munisipyo ng Roxas at Aborlan nitong nakaraang linggo.

Kaugnay nito, umabot sa mahigit 300 mga-aaral ng Roxas National Comprehensive High School sa munisipyo ng Roxas ang aktibong nakilahok sa talakayan patungkol sa teenage pregnancy. Samantala, umabot naman sa nasa 1,000 mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan sa kolehiyo at sekondarya sa munisipyo ng Aborlan ang dumalo sa kahalintulad na gawain na ginanap sa Western Philippines University.

Ang magkasunod na aktbidad ay ginanap noong ika-21 hanggang ika-24 ng Enero taong kasalukuyan sa pangunguna ng Commission on Population (POPCOM) at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) ng Roxas at Department of Education (DepEd).

Bukod sa usapin sa teenage pregnancy o ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan na wala pa sa hustong gulang ay tinalakay rin ang iba pang usaping may kinalaman sa kalusugan ng mga kabataan.

Ayon kay G. Mark Laurence Guilles, Planning Officer III mula sa POPCOM- Mimaropa , ang naturang aktibidad ay bahagi ng programa ng POPCOM sa ilalim ng Adolescent Health kung saan ay pinaiigting ang kampanya patungkol sa usaping pangkalusugan ng mga kabataan.

“Basically, gusto natin i-increase ‘yong awareness ng ating mga kabataan on how to avoid sexual activities, dahil hindi pa talaga sila dapat nakikipagtalik, second, to avoid teenage pregnancy and of course to avoid acquiring STI’s (sexually transmitted infections) especially HIV (Human Immunodeficiency Virus (HIV) which can lead to AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome.” Ito ang tinuran ng kawani ng POPCOM na si G. Guilles.

Samantala, kasama rin sa paksang tinalakay sa naturang symposium ay ang usapin sa HIV at AIDS na pinangunahan ni G. Dennis Abacial mula sa Provincial Health Office (PHO). Kanyang ibinalita na ang lalawigan ng Palawan ang nangunguna sa may mataas na kaso ng HIV at AIDS sa buong rehiyon ng MIMAROPA.

"Ang Palawan po ay number 1 sa buong rehiyon ng MIMAROPA na mataas ang kaso ng HIV and AIDS so kaya po kami nandito upang ibahagi ang mga kaalaman patungkol dito lalo na po sa mga kabataan tulad ninyo" Ani G. Abacial.

Napag-alaman rin mula kay G. Guilles na ang lalawigan ng Palawan ang nangunguna sa buong rehiyon ng MIMAROPA na mataas ang bilang sa teenage pregnancy. For the past three years tayo ang mataas which is more or less 12,000 cases, ani G. Guilles.

Dagdag pa rito ay may mga naitala ring mataas ang bilang sa ilang munisipyo sa lalawigan na kanilang tinututukan

“Unfortunately sa Palawan, I believe meron tayong ten or eleven na municipalities na included doon sa ating top 27, so sila iyong may pinakamatataas na kaso ng teenage pregnancy and unang una nga dito ang Puerto Princesa, at kasama rin doon ang Quezon, Roxas, Coron, Taytay, San Vicente at Bataraza.

Samantala, magpapatuloy ang pag-ikot ng grupo ng POPCOM kasama ang PSWDO upang magsagawa pa ng kahalintulad na gawain sa iba pang munisipyo upang madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral at maitaas ang antas ng kamalayan ng mga ito sa usapin ng kalusugan ng mga kabataan.

Copyrights © 2019 Designed/Maintain by the Provincial Information Office
piopalawan@gmail.com · 7230590 ·www.palawan.gov.ph