DIGITAL LITERACY TRAINING, ISINAGAWA SA BAYAN NG AGUTAYA

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Matagumpay na naisagawa ang Digital Literacy Training sa bayan ng Agutaya, Palawan mula Enero 15-25, 2019. Ang proyekto ay itinaguyod ng E-Governance Office ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang Department of Information and Communication Technology (DICT), Junior Chamber International-Oil at pamahalaang lokal ng bayan ng Agutaya.

Ang pagsasanay ay dinaluhan ng piling Grade 12 Senior High School students mula sa nasabing munisipyo at dumaan ang mga ito sa sampung araw na masusing pagsasanay.

Kabilang sa mga paksang ibinahagi sa mga partisipante ang mga sumusunod: advance Microsoft applications, e-mail protocol, computer hardware servicing and networking, graphic designing, video editing at photography.

Ayon kay Carlo Buitizon, Project Development Officer ng E-governance, ang Digital Literacy Training ay isang malaking hakbang para sa mga estudyante na makasabay ang mga ito sa 21st century skills kabilang ang robotics, coding, entrepreneurship, at software skills.

“Dapat malaman nila ang basics sa paggamit ng digital platforms at yung tamang paggamit ng social media sa paghahatid ng impormasyon. Dapat din ay mayroon silang knowledge sa ICT para maging innovative at resourceful sila”. Ani Ginoong Buitizon.

Ang Digital Literacy ay nakatuon sa pagkakaroon ng kaalaman sa paggamit ng iba’t-ibang digital resources at pagkakaroon ng sapat na impormasyon patungkol sa responsableng paggamit ng internet.

Samantala, nakipagpulong din ang E-governance Office sa lokal na pamahalaan ng Agutaya para talakayin ang ICT plans at initiatives ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan kabilang ang ilang programa na may kaugnayan sa Entrepreneurship, Startup at Innovation.