PAGBUO NG PROVINCIAL COOPERATIVE COUNCIL SA LALAWIGAN, ISINUSULONG NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Blog Single

Pirmado na ni Gob. Jose Ch. Alvarez ang ordinansang bubuo sa Provincial Cooperative Development Council sa lalawigan na iniakda ni Second District Board Member Eduardo Modesto V. Rodriguez.

Ito ay ang Provincial Ordinance No. 2371 series of 2020 na may titulong "Creating the Provincial Cooperative Development Council in order to Strengthen Cooperativism in the Province of Palawan and that will Coordinate for its Effective Promotion and Development for the Improvement of the Quality of Life of the Palaweños and Providing Funds Thereof".

Sa pamamagitan nito ay lalong mapapalakas ang 'partnership at resource sharing' ng mga nasa sektor ng kooperatiba at ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Samantala, base sa ordinansa, ang Gobernador o ang sinumang kaniyang itatalaga ay awtomatikong magiging Honorary Chairperson ng PCDC.

Kabilang naman sa mga magiging miyembro ang representante ng iba't-ibang mga ahensiya ng National Government, Chairperson ng Provincial Development Council, Provincial Cooperative Development Officer, NGO's, Provincial Local Government Unit at marami pang iba.