Matagumpay na nagtapos ang dalawampu’t dalawa (22) na mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa limang araw na Basic Life Support (BLS-SFAT) with Standard First Aid Training na ginanap sa La Charica Inn and Suites Mula noong ika-21 hanggang ika-25 ng buwan ng Enero, taong kasalukuyan.

Pangunahing tinalakay sa pagsasanay ang kahalagahan na malaman ng isang responder ang tamang paraan kung paano makasasagip ng buhay ng isang tao na nasa panganib. Ito ang binigyang-diin ng mga tagapagturo mula sa Provincial Health Office (PHO) na pinangunahan ni Gng.Lorna Loor ng Team Palawan.

“Actually nakakahiya na lumakad ka ng capitol na malaman na taga PDR ka na ikaw mismo wala kang knowledge of BLS and standard first aid, as in yun ang dilemma ko nun nakakahiya kasi baka mamaya nakasuot ka ng 165 tshirt tapos napadaan ka wala kang magawa, at least ngayon after this training talagang makakapaglakad ka na may alam ka”. Ani yanika Seratubias ng PDRRMO.

Tinalakay rin sa nasabing pagsasanay ang tamang pamamaraan ng pagbebenda para sa ibat ibang uri ng injury, kasabay ng pagsasagawa ng casualty incident simulation upang makita ang kakayahan ng isang rescuer sa oras na may nangangailang ng tulong.

Layunin ng proyekto na mas mapalawak pa ang kalaaman ng mga kawani ng PDDRMO upang lalong mapabilis at mapabuti ang kalidad ng serbisyo sa mamamayang palawenyo.

Samantala nagpasalamat naman ang mga partisipante ng PDRRMO sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na matutunan ang tamang paraan ng pagsagip ng buhay sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad.

" /> MGA KAWANI NG PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (PDRRMO) MATAGUMPAY NA NAGTAPOS SA BASIC LIFE SUPPORT

MGA KAWANI NG PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (PDRRMO) MATAGUMPAY NA NAGTAPOS SA BASIC LIFE SUPPORT

Standard Post with Gallery