PEEDO AT DTI, NAGSAGAWA NG "SKILLS TRAINING ON TABLEA PROCESSING" SA BAYAN NG RIZAL

Nagsagawa ng Skills Training on Tablea Processing ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Economic Enterprise and Development Office (PEEDO) katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) Palawan sa bayan ng Rizal noong ika-15 ng Oktubre, 2020 na ginanap sa PSU- Rizal Entrepreneurship Building.

Siyam (9) na mga Cacao Farmers ang naging benepisyaryo nito na sumailalim sa naturang pagsasanay upang makatulong sa kanilang livelihood opportunity. Pinagkalooban rin ang mga ito ng starter kit hinggil sa pagsasagawa ng tablea.

Samantala, pinangunahan naman ang pagsasanay ng mga kawani ng PEEDO na sina Gng. Bethel Wyeth Asag at Ma. Theresa Villaruel.

📷: PEEDO