ILANG ROAD PROJECTS SA ILALIM NG CMGP PROGRAM, NAKATAKDANG ISAGAWA SA BAYAN NG NARRA

Blog Single

Nakatakdang isagawa sa bayan ng Narra ang ilang proyektong kalsada sa ilalim ng ‘Conditional Matching Grant to Provinces’ (CMGP) Program para sa taong 2020 na kung saan ito ay base sa inilabas na advisory ng Department of the Interior and Local Government (DILG) MIMAROPA.

Ang mga proyekto ay kinabibilangan ng Concreting ng Teresa-Batang-batang Road, concreting ng Panitian-Abokayan Road, concreting ng Panitian-Tabud Road, at concreting ng Junction Highway-Burirao Road na may kabuoang pondo na mahigit P128 Million pesos.

Sa ngayon ay dadaan sa advance procurement process ang mga proyekto, alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act 9184 o ang ‘Government Procurement Reform Act’ at CMGP Procurement Policies and Procedures sa ilalim ng DILG Memorandum Circular No. 2020-094. Ang mga nabanggit na road projects ay naendorso na rin sa Department of Budget and Management (DBM).

Paalala rin ng DILG Regional Office na ang lahat ng isasagawang infrastructure projects ay susunod sa itinakdang health and safety measures ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa nararanasang pandemya.