BAGONG PANUNTUNAN SA PAGTUNGO SA LALAWIGAN NG PALAWAN

Tanging RT-PCR test na may negatibong resulta sa loob ng 72 oras ang tanging kinakailangan na lamang ng mga inbound travellers para makabiyahe patungo sa lalawigan ng Palawan.

Ito ay sa pamamagitan ng inilabas na Executive Order No. 50 series of 2021 na nilagdaan ni Gob. Jose Ch. Alvarez ngayong ika-2 ng Marso, taong 2021 matapos na i-adopt ng Provincial Inter-Agency Task Force against COVID-19 ang Resolution No. 101 series of 2021 ng National IATF for the Management of Emerging Infectious Diseases na may petsang February 26, 2021.

Sa kautusan, 'mandatory' ang RT-PCR test na may negatibong resulta sa lahat ng mga inbound travellers na tutungo sa mga munisipyo maliban sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakasaad sa IATF Resolution No. 98-A na inilabas noong February 4, 2021.

Ang mga APOR mula sa national government agencies ay kinakailangan pa ring magpakita ng ID, travel order at travel itinerary.

Batay sa EO, tanging mga inbound travellers lamang na makikitaan ng sintomas ng COVID-19 ang kailangang sumailalim sa quarantine.

Hindi na rin kailangan ang travel authority at health certificate.

Ang mga turista naman ay kinakailangan pa ring magpakita ng proof of confirmed booking sa LGU o DOT accredited accomodation establishment, return flight ticket, confirmed itinerary from an LGU licensed/DOT accredited travel and tour operator.

Samantala, ang lahat ng mga munisipyo, barangay at national agencies na nasa lalawigan ay inaatasan na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa isat-isa upang matiyak na maipatutupad ang protocol na ito.

Courtesy: Yanika Seratubias of PDRRMO