Vaccine Simulation Activity

Nagpapatuloy ang paghahanda ng mga medical staff ng Roxas Medicare Hospital at Southern Palawan Provincial Hospital para sa isasagawang Vaccine Simulation Activity ngayong araw.

Isasagawa rito ang dry-run ng vaccination procedure mula sa pagpaparehistro, counseling, screening, pagbabakuna at monitoring sa mga mababakunahan.

Dumating kahapon, ika-5 ng Marso ang unang batch ng Sinovac Vaccines na prayoridad na mabakunahan ang mga medical frontliners sa ating mga COVID-19 designated facilities sa lalawigan.