Provincial Inter-Agency Task Force Against COVID-19

Nagsagawa ng pagpupulong ngayong araw, Marso 02, 2021 ang Provincial Inter-Agency Task Force Against COVID-19 na pinangunahan nina Provincial Administrator Atty. Joshua Bolusa, Provincial Health Officer Dra. Erika Faye Labrador at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Jeremias Y. Alili.

Kabilang sa mga napag-usapan ay ang nakatakdang pagdating ng mga COVID-19 vaccines ngayong linggo sa lalawigan para sa mga health workers.

Natalakay rin ang gagawing pag-aakma sa inilabas na unified protocol ng National IATF for the Management of Emerging Infectious Diseases partikular na ang Resolution No. 101 series of 2021 na may petsang February 26, 2021.

Nabanggit rin sa pulong ang inilabas na guidelines ng Philippine Commission on Sports and Scuba Diving hinggil sa mga nais mag-scuba diving sa mga dive sites gaya ng Tubattaha Reef sa bayan ng Cagayancillo.

Samantala, iprinisinta at ipinaliwanag naman ng Philippine Red Cross Palawan Chapter ang saliva test, isang uri rin ng RT-PCR gamit ang laway.

Bunsod nito, nakatakdang maglabas ng resolusyon ang Local Task Force para sa lalawigan ng Palawan.