ROXAS MEDICARE HOSPITAL AT SOUTHERN PALAWAN PROVINCIAL HOSPITAL, NAGSIMULA NANG MAGBAKUNA KONTRA COVID-19

Nagsimula na ngayong araw ang Vaccination Roll-out sa Roxas Medicare Hospital at Southern Palawan Provincial Hospital sa bayan ng Brooke’s Point.

Prayoridad na binakunahan ang mga doktor, nurse, at iba pang medical frontliners sa mga nasabing ospital. Sa datos naman ng Provincial Health Office, 1,690 doses ng SinoVac ang inilaan sa mga medical frontliners.

Bago ang pagbabakuna, sumailalim muna ang mga medical frontliners sa pre-vaccination screening, counseling at binigyan ng kaalaman kaugnay ng vaccination procedure. Matapos na mabakunahan, ang lahat ng mga vaccinees ay isinailalim din sa monitoring at obserbasyon.

Pinangunahan naman ng ilang kinatawan ng Provincial Health Office, PDRRMO, at MHO ang ginawang pagbabakuna. Dumalo rin si Gob. Jose Ch. Alvarez sa vaccination roll-out sa Roxas Medicare Hospital bilang pagsuporta sa 'Resbakuna' na kampanya ng Department of Health laban sa COVID-19.