Nag-convene ang Provincial Plebiscite Board of Canvassers

Blog Single

Nag-convene ang Provincial Plebiscite Board of Canvassers kaugnay ng plebisito para sa ratipikasyon ng Republic Act 11259 ganap na alas-6:00 ng gabi ngayong araw sa Sangguniang Panlalawigan. Ang Provincial BOC ay binubuo nina Provincial Election Supervisor Atty. Urbano Arlando, Provincial Prosecutor Atty. Allen Rodriguez, at Atty. Maricar Misa-Tan ng Registry of Deeds.

Agad na sinuri ng Provincial Plebiscite BOC ang mga dokumentong kakailanganin sa pagbibilang ng mga boto kung saan nakita na kumpleto naman ang mga ito.

Dahil wala pa namang mga inaasahang election returns na matatanggap mula sa mga munisipyo ay nagpasya muna ang mga ito na tapusin ang pagtitipon at ituloy ito sa ganap na alas-2:00 ng hapon sa ika-14 ng Marso, taong kasalukuyan.

"Yung ating Board of Canvassers ay nag-recess na dahil wala pang ini-expect na darating na results ngayon, so hopefully tomorrow mag-convene sila, meron na silang maka-canvass ay tuluy-tuloy na 'yun", bahagi ng pahayag ni National COMELEC Spokesperson Dir. James Jimenez.

Samantala, nagpapatuloy ang pagbibilang ng mga boto ng mga Municipal Plebiscite Board of Canvassers.