ASTRAZENECA VACCINES, DUMATING NA RIN SA PALAWAN

Dumating na sa Palawan ang AstraZeneca Coronavirus Vaccines lulan ng private aircraft ni Gob. Jose Ch. Alvarez pasado alas-7 ngayong gabi. Nanguna sa pagsalubong sa mga bakuna sina Acting Provincial Health Officer Dra. Faye Labrador, Assistant Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Cruzalde Ablaña, at ilang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Western Command.

Base sa datos ng Provincial Health Office, 440 vials ng AstraZeneca Vaccines ang dumating kung saan katumbas ng isang (1) vial ay sampung (10) doses.

Agad naman na dinala sa Cold Storage Facility ng PHO ang mga bakuna.

Matatandaan na dumating ang unang batch ng vaccines sa Palawan noong Marso 5, 2021 kung saan ay mahigit 5,000 doses ng SINOVAC ang inilaan sa mga medical frontliners sa designated COVID-19 facilities sa lalawigan at Puerto Princesa City.