COMELEC, IDINETALYE ANG PAGHAHANDA SA DARATING NA PLEBISITO

Sa pamamagitan ng press conference, idinetalye nina Commissioner Antonio Kho, Jr., Deputy Executive Director for Operations Director Teopisto Elnas Jr., National COMELEC Spokesperson Dir. James Jimenez, at Provincial Comelec Supervisor Atty. Urbano Arlando ang kanilang paghahanda para sa isasagawang plebisito sa darating na Sabado, Marso 13, 2021.

Ilan sa tinalakay ang logistics, security status, mobilization, COMELEC coordination sa LGUs, at health protocols.

Ayon sa COMELEC, handang-handa na sila at agad na idi-deploy ang kanilang mga personnels para sa plebisito.

"It's all systems go for this plebiscite... Our people all over [the province of] Palawan are ready to conduct this plebiscite...", paniguro ni Commissioner Kho.

Lahat din ng election paraphernalia ay naihatid na sa mga munisipyo maliban sa Kalayaan. Habang nakatakda bukas, Marso 12 ang pagdadala ng election paraphernalia sa mga malalayong barangay.

"All forms [including] accountable forms, official ballots, and supplies are already in place and ongoing ngayon ang verification as of the completeness of the official ballots doon sa ating mga Municipal Treasurer. We are also providing Isolation facilities just incase mayroong 37.5 [body temperature] above, doon siya papuntahin", dagdag pa ni Director Elnas.

Hinihikayat naman ang mga botante na makiisa sa darating na plebisito.

"Please convince [the voters] to participate in the plebiscite this Saturday... And please to our voters, pumunta nang maaga para maiwasan ang crowding sa precincts and i-check agad sa voters list ang names ninyo. Ito ay para magkapagdesisyon sila sa future nila...", paalala pa ni Commissioner Kho.