BAGONG OSPITAL SA BAYAN NG CORON, PINASINAYAAN NA

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Opisyal nang binuksan sa publiko ang bagong Coron District Hospital na matatagpuan sa Poblacion 5, Coron, Palawan nitong ika-21 ng Marso, taong kasalukuyan.

Ang tatlong palapag na ospital na maituturing ding isang tourism hospital ay magkatuwang na pinondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at Department of Health (DOH) sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program na mayroong kabuoang pondo na P148,171,806.75.

Mula sa pondong inilaan ng DOH ang pagpapatayo ng ospital mula phase 1 hanggang phase 3 at ang pagbili ng mga kagamitan. Samantala, kabilang sa halaga ng pondo na inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan ang paggawa ng mga pasilidad gaya ng Doctor’s/Nurse’s Quarter, Dietary/Linen Building, Isolation Building, Material Recovery Facility, Mortuary Building, Motorpool/Powerhouse Building, Elevated Water Tank, Water Treatment Facility at Sewerage Treatment Plant. Kasama rin sa nasabing pondo ang Landscaping, Electrical Works, Concreting of Road Network, Communication System, Monitoring Devices at ang perimeter fence.

Sa ibinigay na mensahe ni DOH Secretary Francisco Duque III, nais nitong iparating sa mga mamamayan ng bayan ng Coron at karatig munisipyo na malaki ang maitutulong ng bagong ospital para sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyong medikal.

“Ito po ay magbibigay ng serbisyong pangkalusugan... ang ating bagong ospital para sa mga minamahal na mamamayan ng Palawan. Dapat din ay magkaroon ng proper rapport ang mga staff ng ospital, dapat ay magkaroon ng malasakit sa mga nangangailangan… bigyan natin ng buhay ang salitang malasakit dito po sa loob ng Coron District Hospital,” pahayag ni Sec. Duque.

Ipinahiwatig din ng kalihim ang kanyang paghanga sa dedikasyon ni Gob. Jose Ch. Alvarez para matugunan ang pangangailangang medikal ng mga Palaweño.

“One of the greatest things that ever happened to this province of Palawan, indeed the governorship of Governor Alvarez. I think he is one visionary and dynamic, very progressive minded local Chief Executive and to me, I considered him as a model local chief executive worthy of emulation by all other chief executives of our country.”

Ayon naman kay Gob. Alvarez, isang oportunidad sa mga taga-Coron ang magkaroon ng bagong ospital at pasilidad na maghahatid nang mas mabilis na serbisyo.

“Dahil napakalapad ng lalawigan ng Palawan, we are poorest in health service. But ngayon, slowly we are catching up with the rest of the country. For the last 40 years, the hospital that was here was made of concrete wood and galvanized iron roof, it was about to collapsed. And the Mayor insisted ‘na please make us a hospital,’ si Mayor Baracosso ito, kaya ngayon pinalitan na natin ito,” ani ng gobernador.

Lubos naman ang pasasalamat ng Pamahalaang Lokal ng Coron sa pagpapatayo ng bagong ospital.

“Our gratitude and appreciation sa ating masipag na Provincial Government through the strong leadership of Governor Alvarez... by establishing state-of-the-art hospitals across the province of Palawan…” ayon kay Mayor Ajerico Baracosso.

Kabilang sa mga dumalo sa Inauguration Ceremony sina DOH Assistant Secretary Maria Francia Laxamana, DOH MIMAROPA Regional Director Mario Baquilod, ilan pang opisyal ng Kagawaran ng Kalusugan at ilang opisyales ng munisipyo at mga barangay ng Coron at Busuanga.

Samantala, ang Coron District Hospital ang ika-anim na ospital na pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan kasunod ng Dr. Jose Rizal District Hospital sa bayan ng Rizal, Roxas Medicare Hospital, Southern Palawan Provincial Hospital sa Brooke’s Point, Narra Municipal Hospital at Aborlan Medicare Hospital. Kaugnay nito, inaasahang ngayong taon ay bubuksan ang iba pang itinatayong bagong ospital sa mga bayan ng San Vicente, Cuyo at Quezon.