OPISYAL NA PAHAYAG NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PALAWAN KAUGNAY SA PALAWAN PLEBISCITE 2021

Blog Single

Naglabas na ng pahayag ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pangunguna nina Gob. Jose Alvarez at Vice Gob. Dennis Socrates kaugnay nang natapos na plebisito para sa ratipikasyon ng Republic Act 11259.

Sa pamamagitan ng isang press conference ngayong araw, ipinaabot ng mga opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mamamayan na nakiisa sa plebisito, mga guro na tumayong PlebCom, mga uniformed personnels na nagbantay para sa seguridad, mga health workers na nagpatupad ng minimum health protocols sa mga presinto at maging sa COMELEC.

"Sa kabila ng aming pagsusumikap na maipaunawa ang mabuting hangarin ng kampanyang ito, nanaig pa rin sa plebesito ang botong NO at pinili ng taumbayan na manatili ang Palawan na iisang probinsya. TINATANGGAP PO NAMIN AT NIRERESPETO NANG BUONG PUSO ANG NAGING HATOL NA NAKARARAMING BUMOTO.",bahagi ng pahayag ng Pamahalaang Panlalawigan.

Magpapatuloy naman ang pagbibigay-serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga Palaweño.