ILANG FRONTLINERS SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, KABILANG SA MABABAKUNAHAN NG ASTRAZENECA

Nakatakdang isagawa ang vaccination roll-out sa ilang frontliners mula sa Provincial Health Office (PHO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Jail Management Division (PJMD), BFP Province, at Provincial DepEd sa darating na Biyernes, ika-19 ng Marso, taong kasalukuyan. Kabilang ang mga ito sa mababakunahan ng AstraZeneca Vaccine na dumating noong Marso 12, 2021.

Samantala, naka-schedule na rin ang vaccination sa Northern Palawan Provincial Hospital na may 142 vaccinees; San Vicente District Hospital na may 99 vaccinees; Bataraza District Hospital na may 87 vaccinees; Quezon Medicare Hospital na may 91 vaccinees; at Dr. Jose Rizal District Hospital na may 86 frontliners na mababakunahan.

Base pa sa datos ng PHO, mayroong nakalaan din na vaccines para sa Rural Health Unit (RHU) ng Taytay, Bataraza, Narra, Coron, Busuanga, Cuyo, Agutaya, at Magsaysay. Kasama rin ang Culion Sanitarium and General Hospital, Coron District Hospital, at Cuyo District Hospital.

Matatandaan na nitong Marso 12 ay dumating ang 440 vials ng AstraZeneca Vaccines na may katumbas na 4,400 doses na target na mabakunahan ang 2,200 indibidwal. Kasalukuyang nasa Cold Storage Facility ng PHO ang mga bakuna.