Pamimigay ng nasa 1,600 family food packs sa mga apektadong residente ng Busuanga

Nagsimula na ang pamimigay ng nasa 1,600 family food packs sa mga apektadong residente ng Busuanga, Palawan bunsod na rin nang ipinatutupad na localized lockdown sa lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang LGU Busuanga ang pamamahagi ng relief packs.