1,600 FAMILY FOOD PACKS, INIHAHANDA NA NG PSWDO PARA SA MGA NAAPEKTUHAN NG COMMUNITY LOCKDOWN SA BUSUANGA

Inihahanda na ng Provincial Social Welfare & Development Office ang 1,600 na family food packs bilang 'augmentation support' sa mga pamilyang naapektuhan ng community lockdowm sa bayan ng Busuanga sanhi ng COVID-19.

Ayon kay PSWDO Abigail Ablaña, ito ay base na rin sa naging direktiba ni Gob. Jose Ch. Alvarez upang agarang makapagparating ng tulong sa mga residente ng Busuanga na apektado ng community lockdown dahil sa pagkakaroon ng local transmission ng COVID-19.

Ang PDRRMO naman ang mangangasiwa sa agarang pagdadala ng mga nasabing ayuda para sa bayan ng Busuanga.