Naging matagumpay ang commissioning at testing ng kauna-unahang Community-Based Reverse Osmosis Desalination Plant na may Solar Powered Automatic Dispensing Station sa Green Island sa bayan ng Roxas, Palawan.

Sa mga ibinahaging larawan ni Engr. Michelle Cardenas, Head ng Water Infrastructure Unit ng Pamahalaang Panlalawigan, ipinakita rito ang desalination o proseso kung saan ang tubig alat ay magiging high quality potable water na maaaring inumin ng mga residente. Ipinaliwanag din ang paggamit ng Solar Dispensing Station na kung saan para makabili ng tubig ay gagamit ng reloadable keycard ang bawat konsyumer.

Ito ay isa lamang sa mga inisyatibo ni Gob. Jose Ch. Alvarez upang mabigyan ang lahat ng Palaweño ng malinis at inuming tubig. Target na mabibigyang serbisyo nito ang mahigit 300 residente ng Green Island.