50% ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENT SA MGA EMPLEYADO NG KAPITOLYO, PINALAWIG HANGGANG ABRIL 30

Blog Single

50% ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENT SA MGA EMPLEYADO NG KAPITOLYO, PINALAWIG HANGGANG ABRIL 30

Muling pinalawig ang 50% alternative work arrangement sa lahat ng empleyado ng kapitolyo hanggang Abril 30, 2021 sa bisa ng Memorandum Order No. 70 na pirmado ni Gob. Jose Ch. Alvarez. Ito ay alinsunod sa IATF Resolution No. 35 ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang limang barangays sa Puerto Princesa kabilang ang Brgy. San Miguel, San Pedro, San Manuel, San Jose, at Sta. Monica.

Paalala naman sa lahat ang ibayong pag-iingat at palagiang sundin ang minimum health protocols.