PAGPAPAIGTING NG PROTEKSYON SA MGA KABABAIHAN HINIHILING NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN SA MGA LOKAL NA PAMAHALAAN

Blog Single

Isang resolusyon ang ipinasa noong ika-133 na regular na sesyon ng Junta Probinsyal na humihikayat sa mga opisyales ng mga lokal na pamahalaan sa buong lalawigan ng Palawan na paigtingin ang pagbibigay proteksyon sa mga kababaihan.

Ayon kay Board Member Marivic Roxas na siyang may akda ng resolusyon, ngayong Marso ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Kababaihan kaya nararapat lamang bigyan natin ng pagpapahalaga ang karapatan, kapakanan at proteksyon ng mga kababaihan.

“Women play significant roles in our society. Hence, they should be protected and empowered. With some recent happenings in our country involving crimes committed against women, subjected to abuses, raped and brutally murdered, these must be prevented in our province and the conduct of Safety Awareness Programs for our women will help prevent these unfortunate events and at the same time empower them to protect themselves and their families against these circumstances,” ayon kay Board Member Roxas.

“Kinakailangan na magsagawa ng Safety Awareness Programs sa kani-kanyang hurisdiksyon katulong ang ibang ahensya ng pamahalaan katulad ng Provincial o Municipal Social Welfare and Development Office, Philippine National Police at iba pang ahensya na may kinalaman sa pagsulong ng proteksyon, karapatan at dagdag kakayahan ng mga kababaihan,” dagdag pa ni niya.

Samantala, isang resolusyon naman ang ipinasa ni Board Member Eduardo Modesto Rodriguez na naghihikayat sa mga lokal na pamahalaan na maglaan ng mga fire hydrants sa mga itinalagang lugar na may pangangailangan upang magkaroon ng sapat na kakayahan na maapula ang sunog sa kanilang lugar kung magkaroon man para mapangalagaan at maproteksyonan ang mamamayan.

Sa kaugnay na balita, isang pang resolusyon ang inakda ni Board Member Rodriguez na sinuportahan naman ng buong kapulungan na nagpapasalamat kay Chinese Ambassador Carlos Chan sa pagkakaloob nito ng isang ambulansya sa Pamahalaang Panlalawigan.