PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, PINAGHAHANDAAN NA ANG ISASAGAWANG ASSESSMENT AT VALIDATION PARA SA SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Nagpulong ang mga miyembro ng 2019 Seal of Good Local Governance (SGLG) Committee at Technical Working Group ng Pamahalaang Panlalawigan nitong ika-28 ng Marso, taong kasalukuyan para paghandaan ang isasagawang assessment at validation ng Regional Assessment Team ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng pagpapatupad ng Seal of Good Local Governance.

Sa nasabing pagpupulong ay pinag-usapan ang mga dapat na isaayos sa mga components ng SGLG kabilang ang Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Protection at Tourism, Culture and the Arts.

Base sa ulat ng SGLG technical working group, bukod sa pagsasaayos ng lahat ng dokumento na may kaugnayan sa SGLG, ilan sa mga pagtutuunan ng pansin ay ang pagsusuri sa mga Hospital Material Recovery Facility at waste disposal, pagsasaayos ng mga pasilidad sa Operation Center, paglalagay ng early warning devices/signages at paggamit ng cultural property.

Binigyan naman ng SGLG checklist ang iba’t ibang departamento sa Pamahalaang Panlalawigan kasama ang Provincial Accounting Office, Provincial Budget Office, Provincial Treasurer’s Office, Provincial Planning and Development Office, PDRRMO, Provincial Social Welfare and Development Office, Local Economic and Investment Office, Provincial Environment and Natural Resources, Provincial Tourism Office, DepEd, PNP Provincial Office at iba pang lokal na ahensya. Sa pamamagitan nito ay madaling malalaman ng bawat departamento ang kanilang mga kinakailangang matugunan bago ang assessment.

Sa darating na ika-25 ng Abril, 2019 ang isasagawang assessment at validation na pangungunahan nina OIC Assistant Regional Director Noel Bartolabac ng DILG MIMAROPA at Inocencio Magallanes of HARIBON Palawan.