Department of Information and Communications Technology, inihayag ang paghahanda para sa nalalapit na LIVEX 2019

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Sa isinagawang Press Conference nitong ika-3 ng Abril, taong kasalukuyan sa Victorino J. Rodriguez Hall ng gusaling kapitolyo, ay inilahad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pangunguna nina Engr. Alan Silor, Assistant Secretary for Special Concerns ng DICT, Mr. Ernesto Tomas, Division Chief-Investment and Promotion ng Mindanao Development Authority (MinDA) at Director Cheryl Ortega ng DICT Luzon Cluster 3 ang kanilang paghahanda kaugnay ng nalalapit na Livelihood Exchange sa Hunyo 2019 na kung saan ay magsasama-sama ang lahat ng miyembro ng BIMP-EAGA (Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, Philippines-East ASEAN Growth Area).

Ayon kay Asec. Silor, malaking oportunidad para sa lalawigan ng Palawan ang LIVEX dahil malaki ang maitutulong nito para sa pagpapalakas ng turismo sa lalawigan at mapauunlad nito ang kaalaman sa teknolohiya.

Sobrang malaki ang potential ng Palawan for our ICT projects. Ang daming resources na magagamit dito…At the same time, marami tayong partner agencies and investors na gustong tumulong sa Palawan para makasabay sa pag-upgrade ng technology and innovations dito…” Ani Asec. Silor.

Inilatag din ng DICT Luzon Cluster 3 ang pangmatagalang plano ng DICT para sa Palawan. Kasama rito ang Roll out projects for connectivity, launching ng Technology for Education (Tech4Ed), livelihood program na may kaugnayan sa Tech Hub at paglalagay ng free-WIFI sa bawat munisipyo.

Sa ngayon, we are doing mapping for 2019 roll out of people-connect projects, so yung sa Techology for Education mayroon na tayong na-establish sa mga schools dito sa Palawan, Dadagdagan natin ‘yun para na rin ma-enhance ang skills ng mga students on innovation and technology,” pagbibigay-diin ni Director Cheryl Ortega ng DICT Luzon Cluster 3.

Samantala, ilan sa layunin ng Livelihood Exchange ang patatagin ang partnerships at collaborations ng mga bansang miyembro ng BIMP-EAGA sa larangan ng ICT Development, upang mahikayat ang mga technology at outsourcing innovators na maipakita ang kanilang mga gawang produkto at mapatatag ang samahan ng mga bansang miyembro ng BIMP-EAGA sa larangan ng tinaguriang sub-region’s five pillars kabilang ang connectivity, food basket, environment, turismo at edukasyon.

Bukod sa Livelihood Exchange ay magkakaroon din ng CEO Forum at ICT Cluster meeting na kung saan inaasahasang magsasama-sama ang ilang business leaders and investors mula sa mga bansang Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia at Pilipinas.