RDC-PSRs National Convention, isinagawa sa Puerto Princesa

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Isinagawa sa lungsod ng Puerto Princesa ang pagtitipon ng mahigit sa 150 kinatawan ng pribadong sektor na umuupo sa iba’t-ibang Regional Development Councils (RDC) sa bansa. Ang taunang kumbensyon ay ginanap noong ika-9 hanggang ika-12 ng Abril, taong kasalukuyan.

Ang 10th RDC – Private Sector Representatives (PSRs) National Convention ay naglalayong maging daan sa kooperasyon ng mga RDC-Private Sector Representatives sa bansa at mapalakas ang gampanin ng mga ito sa konseho.

Ang MIMAROPA Regional Development Council na pinamumunuan ni Gob. Jose Ch. Alvarez at ang National Economic Development Authority (NEDA) – MIMAROPA ang nanguna sa naturang national convention na may temang Ecotourism: Partnership for Sustainability.

Kinilala ni Gob. Alvarez sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng kontribusyon ng pribadong sektor sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapaunlad ng bansa.

“I’m hoping that this gathering will also bring about very good results that every region can used in order to contribute to the overall development of the Philippines,” saad ng Gobernador.

Nagsilbing keynote speaker si G. Randy Durband, chief executive officer ng Global Sustainable Tourism Council. Tinalakay niya ang patungkol sa mga balangkas at polisiya na maaaring gawin para sa pagsusulong ng sustainable tourism sa bansa.

Kabilang sa mga paksang tinalakay sa pagtitipon ang patungkol sa Kasaganaan – Economic Sustainability, Malasakit – Socio-Cultural Sustainability, Kalikasan - Environmental Sustainability at Tourism and Climate Change.

Nagsilbing tagapagsalita rin sina NEDA Asec. Mercedita Sombilla, former Tourism Secretary Narzalina Lim, former NCCA Chairperson Felipe De Leon, Jr., RDC VI Vice Chairperson Ro-Ann Bacal, Boracay Inter-agency Rehabilitation and Management Group General Manager Natividad Bernardino, Climate Change Commission Deputy Executive Director Romell Antonio Cuenca, Susan Santos de Cardenas, Chief Executive Officer ng Society for Sustainable Tourism and Development Inc. at RDC III Vice Chairperson Leon Dacanay Jr.