DILG, nagsagawa ng orientation at mini-assessment kaugnay ng isasagawang validation para sa Seal of Good Local Governance

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Nagsagawa ng orientation at mini-assessment ang Department of the Interior and Local Government- Palawan nitong ika-15 ng Abril kaugnay nang paghahanda ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan para sa assessment at validation ng Regional Assessment Team ng DILG para sa Seal of Good Local Governance.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng 2019 SGLG Committee at Technical Working Group ng Pamahalaang Panlalawigan kabilang ang Provincial Accounting Office, Budget Office, Treasurer’s Office, Planning and Development Office, PDRRMO, Provincial Social Welfare and Development Office, Local Economic and Investment Office, Provincial Environment and Natural Resources, Provincial Tourism Office, Bids and Awards Committee, General Services Office, Engineering Office, Information Office, PADAP at Office of the Provincial Administrator.

Pangunahing layunin ng DILG na iparating sa Committee at Technical Working Group ang kahalagahan ng SGLG; malaman ang paraan nang pagpapalakas ng criteria o ang 7 governance areas kabilang ang Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Protection at Tourism, Culture and the Arts; at ang paggawa ng action plan kaugnay nang implementasyon ng SGLG sa bawat Local Government Unit.

Sa nasabing pagpupulong ay sinuri rin ang mga dokumento at checklist ng bawat departamento na kinakailangan para sa isasagawang validation sa darating na Abril 24-25, 2019.           

Samantala, base sa datos ng DILG nitong 2018, 263 Local Government Unit sa bansa ang pinarangalan ng Seal of Good Local Governance; labing pito (17)  rito ay probinsya, tatlumpu’t siyam (39) ang siyudad at dalawangdaan at pito (207) ang mga munisipyo.