Sangguniang Panlalawigan, hinihimok ang mga pamahalaang lokal na tumulong sa pagbibigay impormasyon tungkol sa sexually trans

Blog Single

Hinihikayat ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng panukalang resolusyon na inakda ni Board Member Clarito Demaala IV, ang lahat ng lokal na pamahalaan sa lalawigan na manguna sa pagbibigay ng impormasyon patungkol sa sexually transmitted diseases and infections (STDs/STIs) partikular ang Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome.

Base sa naipasang resolusyon ni Board Member Demaala, isa sa nakikitang dahilan sa pagtaas ng kaso ng STD/STI sa lalawigan ay ang kakulangan ng kaalaman kaugnay nito.

Base sa datos ng Department of Health, mula sa naitalang 250 na kaso ng HIV Positive individuals/cases sa lalawigan ng Palawan, 2 rito ay edad 50 pababa, 31 kaso ay may edad na 35-49, 125 cases naman ay edad 25-34 at 8 kaso ay edad 14 pababa.

It is alarming that according to the data collected by the Provincial Hospital of Palawan, the age of those who have been positively identified as victims of these diseases and/or infections are decreasing… The Provincial Government believes that it is high time that we accept and admit that we are truly facing a serious health issue and the people of Palawan is at risk of contracting STDs and STIs. This issue must be sensitively and effectively addressed with the help of all stakeholders for the benefit of all Palaweños” pagbibigay diin ni BM Demaala.

Dahil dito, naging panukala rin na bukod sa LGU ay dapat na makipagtulungan ang Sangguniang Kabataan (SK) sa isasagawang information drive lalo’t marami sa nagkakaroon ng ganitong uri ng sakit ay mga kabataan.

Sa kasalukuyan ay mayroon na ring isinagawang health information and education campaign at HIV Testing ang Provincial Health Office sa ilang mga piling lokalidad sa lalawigan