Resolusyon para sa kaligtasan ng mga motorista at mga biyahero sa mga pangunahing kalsada sa lalawigan, ipinasa ng Sanggunian Palawan

Blog Single

Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng industriya ng kalakalan sa lalawigan ng Palawan ay ang pagdami ng mga malalaking trailer trucks na may lulan na intermodal containers na karaniwang bumabagtas sa mga pangunahing lansangan sa lalawigan. Kaugnay nito  isang resolusyon ang iniakda ni Board Member David Francis Ponce de Leon sa  ika-135th regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan na may layuning  makaiwas sa aksidente at maprotektahan ang mga motorista at ang publiko.

Nakasaad sa balangkas ng resolusyon na polisiya ng estado na bigyang-proteksyon  ang kaligtasan ng publiko kung kaya’t bilang pagtugon sa adhikaing ito ay ipinasa ang SP Resolution No. 14315 na nananawagan sa mga Ahensya ng Department of Public Works and Highways, Department of Transportation at Philippine Ports Authority na magsagawa ng mga safety measures at  masusing security checks sa mga intermodal containers transport na naglalakbay sa mga pangunahing kalsada sa probinsya.

 

Matatandaan na kamakailan lamang ay mayroong nangyaring aksidenteng sa lungsod ng Puerto Princesa na kung saan ay nalaglag ang isang intermodal container van na lulan ng isang trailer truck. Mabuti na lamang at walang nasaktan at nasawi kaya dapat may proper security checks ng mga containers  bago lumabas ng  mga warehouse or ports kung properly nakakabit ang mga ito at may mga container belts”, pahayag ni BM Ponce de leon.

Sa kaugnay na usapin, isang resolusyon din ang naipasa na may bilang SP Resolution N0. 14307 na inakda ni Board Member Clarito D. Demaala na humihiling sa Ist, 2nd at 3rd  Engineering Districts ng Department of Public Works and Highways na maglagay ng mga malalaking larawan ng mga sakuna bukod sa signages sa mga accident prone areas upang magsilbing babala sa mga motorista. Tinuran ni BM Demaala na sa pamamagitan ng mga larawang ito ay higit na  makukuha ang awareness ng mga motorista na mas maging sa maingat sa kanilang pagmamaneho sa mga lugar na mapanganib.