Ika-74 na taong anibersaryo ng kasarinlan ng Palawan, ipinagdiwang

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-74 na taong anibersaryo ng pagpapalaya ng lalawigan sa kamay ng mga mananakop na Hapones ay binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ang labing pitong mga magigiting na mandirigma (war veterans) na lumaban sa mga Hapones noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang paggunita ay ginanap noong ika-23 ng Abril taong kasalukuyan sa Victoriano J.  Rodriguez Hall sa gusaling kapitolyo.

Kaugnay ng paggunita ay tinanggap ng mga kaanak ng mga bayaning Palaweño ang parangal na ibinigay bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan at pagbuwis ng buhay para makamit ang hinahangad na kalayaan ng lalawigan ng Palawan.

Ayon kay Undersecretary Reynaldo B. Mapagu ng Department of National Defense, malaki umano ang nagawa ng mga magigiting na mga mandirigma sa Palawan kung kaya’t nararapat silang bigyan ng parangal.

Mula po sa Kagawaran ng Tanggulang Pambansa isang taos-pusong pasasalamat at pagbati sa ating mga bayaning Palaweño. Tunay po na hindi matatawaran ang giting, tapang at pagmamahal sa bayan na inyong ipinakita noong panahon ng digmaan,” saad ni Usec. Mapagu.

Ang Palawan Liberation Task Force ay binubuo ng Palawan Provincial Government, Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, Chamber of Commerce and Industry ng Puerto Princesa, Palawan Provincial Tourism Council, Filipino and American Memorial Endowment, Palawan Special Battalion World War II Memorial And Museum, at Rajah Travel Corporation.

Patuloy naman ang paanyaya ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga mamamayan sa mga munisipyo na kung mayroon silang mga kakilala o kamag anak na  bayani na lumaban noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig (WWII) ay maaari nilang ipagbigay-alam sa mga kinauukulan  upang maisama at mabigyan ng parangal.