Mga kawani ng CELPDS, matagumpay na sumailalim sa Basic Life Support and Standard First Aid Training

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Matagumpay na sumailalim at nagtapos sa limang araw na pagsasanay ang labing isang kawani ng Communtiy Enhancement and Livelihood Program for Drug Surrenderees sa isinagawang Basic Life Support and Standard First Aid Training na ginanap sa Aborlan Palawan.

Pangunahing itinuro sa naturang training ang wastong aplikasyon ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) sa pasyente. Ang CPR ay isang emergency procedure na ibinibigay para sa mga taong nawawalan ng malay dahil sa pagtigil ng daloy ng dugo sa puso at oxygen sa baga, na karaniwang nangyayari sa mga biktima ng pagkalunod. Itinuro din sa pagsasanay ang proper bandaging, wound dressing at iba pang may kinalaman sa pagsagip ng buhay.

Ayon kay Aldrin Dela Torre ng CELPDS, layon ng kanilang opisina na lahat ng kanilang mga kasama ay dumaan sa ganitong pagsasanay, upang magkaroon ng tamang kaalaman sa first aid na siya nilang magagamit sa panahon ng sakuna o kalamidad.

Ito ay isinagawa upang bigyang kaalaman ang bawat myembro ng CELPDS, hindi lamang upang matuto,kundi para maishare ito sa ibang tao, bigyang kakayahan ang bawat myembro na makatulong sa oras ng sakuna at pangangailangan,” saad ni Aldrin Dela Torre ng CELPD

Ang first aid ay pagbibigay ng pangunang lunas kapag ang isang tao ay may sakit o injured. Madalas na isinasagawa ito ng ordinaryong tao hanggang dumating ang mga eksperto sa medikal at madala ang pasyente sa pagamutan. Maaari itong makapagpababa ng rate ng kamatayan, pinsala sa katawan, at mapataas ang posibilidad na mailigtas ang tao sa bingit ng kamatayan.

Nais ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na magkaroon ng sapat na kaalaman ang bawat isang mamayang palawenyo sa first aid, upang magamit ng mga ito sa kanilang lugar kung magkakaroon ng anumang uri ng sakuna o kalamidad.