COMMUNITY ENHANCEMENT AND LIVELIHOOD PROGRAM NAGSASAGAWA NG SCHOOL INFORMATION EDUCATION CAMPAIGN PARA SA MGA MAG-AARAL NG SE

Blog Single

Upang mabigyan ng malawak na kaalaman ang mga kabataan partikular ang mga mag-aaral ng Senior High School sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot at paano ito sumusira sa buhay ng tao ay patuloy na ipinapatupad ng Community Enhancement and Livelihood Program (CELP) ang School Information Education Campaign sa iba’t ibang paaralan sa mga munisipyo.

Ang naturang aktibidad ay kinapapalooban ng mga lectures, workshop at mga patimpalak na nakatuon para makaiwas ang mga kabataan sa ipinagbabawal na droga, maging uliran sa paaralan at kapaki-pakinabang sa komunidad at higit sa lahat maging isang mabuting anak.

Sa kasalukuyan ay naisakatuparan na ang School Information Education Campaign sa mga bayan ng Araceli at San Vicente na nilahukan ng mahigit sa limangdaang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan.

Hinihikayat naman ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng CELP ang mga lokal na pamahalaan sa mga munisipyo na makiisa sa programang ito upang malayo sa ipinagbabawal na gamot ang mga kabataang Palaweño para na rin sa isang mapayapang pamayanan.