RORO route mula Mindoro patungong Palawan, magbubukas sa susunod na taon

Blog Single

Magbubukas na sa susunod na taon ang roll-on roll-off (RORO) routes na magkokonekta sa  mga lalawigan ng Mindoro at Palawan.

Ito ang ipinahayag ni Gobernador Jose Ch. Alvarez nang maanyayahan bilang isa sa mga panelists sa isinagawang Tourism Summit 2019 ng ASEAN Business Advisory Council Philippines noong ika-2 ng Mayo sa lungsod ng Maynila.

“I’m asking you to be excited as we are in Palawan, we’ll building a highway from Manila to Batangas and Batangas one hour to Mindoro, three hours to southern Mindoro and [another] three hours you are in Coron and this will be available by next year,”. Masiglang pahayag ni Gob. Alvarez.

Magkakaroon din ng byahe patungong Kudat, Sabah at Kota Kinabalu, bago matapos ang susunod na taon, ayon sa gobernador. 

“Get excited about Palawan. Drive all the way to the equator via our nautical and build highways through Malaysia. That is our invitation to everyone and that will happen before the end of next year.”

Inilatag niya sa kanyang pagbabahagi ang mga isinasagawang proyektong pang-imprastraktura sa lalawigan na malaki ang maitutulong sa lokal na industriya ng turismo.

Aniya, mayroong dalawang regional airports ang kasalukuyang ipinapatayo sa Palawan. Ito ay matatagpuan sa mga munisipyo ng San Vicente at Coron.

Plano ring magtayo ng international airports sa mga munisipyo ng Taytay at Brooke’s Point.

“One in the north and another in the south. So the North American market can directly land in Taytay and also the north European market can directly … land there.”

Malaki rin umanong tulong ang isinasagawang 600 kilometre six-lane highway expansion project dahil mababawasan nito ang oras ng byahe mula sa isang destinasyon patungo sa iba pang munisipyo sa lalawigan. 

Ipinagmalaki rin ng punong ehekutibo ng lalawigan ang ipinapatayong mga ospital sa mga munisipyo at water infrastructure sa mga barangay.

“We’re building 15 hospitals every 100 kilometres. That’s a very nice and well-equipped hospitals to make the tourists very comfortable and of course confident in going to the islands.”

“We’re doing all the water infrastructures for every barangay … to have clean and mineral water-quality available for the residence and also for the tourists.”

Dagdag pa ng gobernador na sa susunod na limang taon ay handa na ang lalawigan sa pagtanggap ng limang milyong mga turista kada taon.

Aniya, ang industriya ng turismo ay ang economic driver ng Palawan.

“As of two years ago, it already contributed 36 % to the local economy and Palawan contributes 55% of the total MIMAROPA economy.”

“Since 2013 our GDP is -1 percent and in 2017 because of our economic trust and also our tourism trust drove us up to 6.2 in 2017. That’s why Palawan is so changed now,” dagdag ng punong-ehekutibo ng Palawan.

Noong taong 2018 ay umabot sa 1.8 milyon ang tourist arrivals ng lalawigan.