2nd Palawan Seaweed Industry Summit, naging matagumpay

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Naging matagumpay ang isinagawang 2nd Palawan Seaweed Industry Summit na ginanap sa City State Asturias Hotel, Puerto Princesa City noong Mayo 9-10, 2019. Pinangunahan ito ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources katuwang ang City Government of Puerto Princesa, Provincial Government of Palawan, USAID, Department of Trade and Industry, TESDA, DOST, Provincial Agriculture Office, City Agriculture Office at Seaweed Industry Association of the Philippines.

“Itong pag-conduct ng 2nd Palawan Seaweed Summit ay para magkaroon nang pagpupulong kung ano ba ang ating gagawin para mas mapalakas ang industriya ng seaweed sa lalawigan ng Palawan... Sinasabi na ang Palawan ay isa sa top producer sa MIMAROPA region and nagko-contribute siya ng 99% share on the aquaculture production ng region and top 2 sa buong Pilipinas." pagbibigay-diin ni Provincial Agriculturist Dr. Romeo Cabungcal.

Nagkaroon ng isang ceremonial turn-over ng resolusyon kaugnay ng Non-use of Fertilizer sa Seaweed Industry sa pagitan ng mga miyembro ng Seaweed Growers and Associations at Seaweed Network Partners kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan.

“Base sa pag-aaral ng mga eksperto, ang paggamit ng abono lalo na yung inorganic fertilizer ay pwedeng makasira sa pagkalahatang presyo ng seaweeds o tambalang/agar-agar sa international market dahil nasisira at bumababa ang kalidad ng Raw Dried Seaweeds o produkto mula sa harvested seaweeds” paliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Nangako rin ang USAID-SURGE (Strengthening Urban Resilience for Growth with Equity) na magbibigay ng suporta sa mga local seaweed farmers sa lalawigan upang makapag-produce ng de-kalidad na produkto mula sa seaweeds.

Through our project, we provide technical support to cities/provinces including Puerto Princesa and Palawan in which they developed our initiatives in strengthening the supply production and market linkages to boost the local and economic development" ayon kay Mr. Brian James Matibag, Deputy Chief of Party ng USAID-SURGE.

Isa rin sa highlight ng summit ang paglagda sa Marketing Agreement na nakasaad ang mas pinalakas na ugnayan ng Seaweed Network Affiliated Associations para sa mas produktibong industriya ng seaweed.

Tinalakay din sa pagpupulong ang Global Seaweed Markets at Philippine Market Trends, National Seaweed Program ng BFAR, Good Aquaculture Practices and Sustainable Seaweeds Production, Impact Management of Weather System, Unified Seaweed Business Permitting System at Business and Financing Opportunities for Seaweed Growers.

Samantala, ang Seaweed Industry Development Program ay isa sa Livelihood Program na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Palaweño na isa sa paraan upang maingat ang antas ng pamumuhay ng mga lokal na mangingisda.