Sangguniang Panlalawigan, balik-sesyon matapos ang Halalan 2019

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Masiglang sumabak muli sa trabaho ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan pagkatapos mamahinga ng isang linggo bunsod ng Halalan 2019. Matatandaan na ginamit ang Legislative Building partikular ang Sangguniang Panlalawigan Session Hall kung saan ginanap ang canvassing ng mga election results ng  Provincial Board of Canvassers.

Sa sesyon ng kapulungan ay inaprubahan ang Resolution No. 73-19 na iniakda ni BM David Francis Ponce De Leon na nagtatagubilin sa Land Transportation Office na atasan ang mga nagmamaneho ng mga tourist van na sumailalim sa “Rigid Safety Seminar” upang makatulong sa pagpapaunlad ng turismo sa ating lalawigan.

Ayon sa nakasaad sa resolusyon ang pagmamaneho ay isa sa mga mapanganib na aktibidad kaya dapat lamang na bigyan ng oportunidad ang mga drivers na matutunan ang “defensive driving fundamentals and safety training” para sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Bukod sa road safety and defensive driving layunin din ng panukalang ito na mapukaw at maitanim muli sa kaisipan ng mga tourist van drivers ang tamang asal katulad ng kahalagaan ng paggalang, kagandahang-loob, at maayos na pakikitungo na responsibilidad ng isang driver sa kaniyang mga pasahero.