Tanggapan ng Ingat Yaman ng lalawigan puspusan ang pangangampanya upang mapataas ang koleksyon ng buwis

Blog Single

Puspusan ang pangangampanya ng Tanggapan ng Ingat Yaman ng Lalawigan ng Palawan na pinamumunuan ni G. Elino P. Mondragon sa pagpapalakas ng koleksiyon ng buwis upang mapataas ang local revenues sa mga lokal na pamahalaan.

Ang pagpapaigting ng programang ito ay pagtalima na rin sa hangarin ni Gobernador Jose Ch. Alvarez na higit pang mapataas ang local revenue collection upang mas maraming proyekto ang maisasagawa sa ating lalawigan at mas higit pang serbisyo ang maibibigay sa mga mamamayan.

Napag-alaman na sinimulan ngayong taong 2019 ang pagsasagawa ng Tax Campaign and Information Dissemination on Tax Imposition ng lalawigan sa bayan ng San Vicente. Isinasagawa nila ito mga barangay upang maging masinsinan ang kamalayan sa pagbabayad ng buwis at mabigyan sila ng tamang impormasyon kasama na ang pagpapaliwanag ng karagdagang kapakinabangan ng kanilang barangay kapag napataas ang koleksyon ng buwis.

Lahat ng buwis na nakokolekta is converted into social services katulad ng medical services, financial assistance at tangible projects like roads and bridges, school buildings, multi-purpose pavements at iba pang infrastructure projects kasama na ang mga water systems. Ang provincial government ay limitado ang pangongolekta ng buwis, hindi ito makapagpataw ng business tax kaya inaasahan natin ng malaking pagkukuhanan ng buwis ay ang Real Property Tax,” ani Provincial Treasurer Mondragon.

Ayon pa sa Ingat Yaman, bukod sa Tax Information drive ay patuloy din ang kanilang pagpapadala ng Warrant Notices at Warrant of Levy sa mga delinquent property owners at pagtatalaga ng mga tauhan sa mga check points sa south at north national highway upang magbantay at masiguro na ang mga dumadaan na delivery vans at truck na bumibiyahe sa labas ng siyudad ay nakapagbayad ng kaukulang annual fix tax sa kanilang tanggapan.

Nananawagan ako sa mga nagmamay-ari ng mga delivery vans at truck operators na hindi pa nakakapagbayad na tumungo na sa aming tanggapan sa Kapitolyo at magbayad ng  kaukulang limang daang piso upang malagyan ng sticker ang kanilang sasakyan nang hindi maantala ang kanilang biyahe o mapinsala ang kanilang binabiyahe na mga gulay o livestock,” dagdag pa ni G. Mondragon.