Pamahalaang Panlalawigan nakatakdang gunitain ang ika-117 taong Anibersaryo ng Gobyerno Sibil ng Palawan

Blog Single

Isang simpleng selebrasyon ang isasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan bilang paggunita sa ika-117 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Gobyerno Sibil ng Palawan na nakatakda sa ika-23 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Bahagi ng pagdiriwang ang pagsasagawa ng Thanksgiving Mass na inaasahang dadaluhan ng mga opisyales at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon sa tala ng kasaysayan, matapos ang rebolusyon noong taong 1898 ay itinatag ang bagong gobyerno sibil ng Palawan noong Hunyo 23, 1902. Sa ilalim ng gobyerno sibil na pinamunuan ng mga Amerikanong gobernador, nagkaroon ng iba’t ibang reporma at programa tulad nang pagpapatayo ng mga paaralan at pagpapalakas sa sektor ng agrikultura.

Nakasaad naman sa Republic Act 9748 na inaprubahan noong ika-10 ng Nobyembre, 2009 ni dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo, idineklara ang Hunyo 23 ng bawat taon na non-working Public Holiday sa buong lalawigan ng Palawan at Lungsod ng Puerto Princesa bilang paggunita sa pagkakatatag ng gobyerno sibil ng Palawan matapos ang American-Philippine War.