Consultative meeting isinagawa kaugnay nang paghahanda sa CEO Forum at LIVEX 2019

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Pinangunahan nina Engr. Alan Silor, Assistant Secretary for Special Concerns ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Mr. Ernesto Tomas, Division Chief-Investment and Promotion ng Mindanao Development Authority (MinDA) at Director Cheryl Ortega ng DICT-LC3 ang isinagawang consultative meeting nitong ika-27 ng Mayo kaugnay nang paghahanda sa BIMP EAGA(Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, Philippines-East ASEAN Growth Area) CEO Forum and Livelihood Exchange sa darating na Hunyo 24-26, 2019.

Sa nasabing pulong ay pinag-usapan ng BIMP EAGA ICT Cluster Organizing Group ang status ng working committees, ICT CEO Forum Agenda at 7th BIMP EAGA Cluster Provisional Agenda and Program Flow.

“Kailangan maplano ang event na ito especially mga Business Leaders and Private Sector ang participants dito, in terms of tasks, security, plans and targets, logistics dapat maayos… At the same time, pinili namin ang Palawan and Puerto Princesa as our venue for the big event for the promotion na rin ng mga tourist destinations dito at siyempre para maka-attract pa ng potential investors…,” pagbibigay diin ni Asec. Silor.

Samantala, pag-uusapan sa ICT CEO Forum Meeting ang current initiatives at new proposals ng mga nasa pribadong sektor para sa pagpapalakas ng adhikahin ng BIMP-EAGA at magkakaroon ng isang business matching activity na may kaugnayan sa technology innovations.

Ang Livelihood Exchange Conference and Exhibit ay bibigyang-pokus ang ICT Innovation in Tourism, Cross-border E-commerce, data protection, ICT Infrastructure at ang pag-showcase ng BIMP EAGA Start-ups at Innovations.

Inaasahan na dadalo sa naturang pagtitipon ang mga matataas na opisyales ng ICT Cluster bilang Head of Delegations  ng mga bansang kasapi sa BIMP EAGA, gayundin ang mga  kinatawan mula sa pribadong sektor, innovators, ICT practitioners, government employees at ilang major Telecommunications company.

Katuwang ng DICT ang Pamahalaang Panlalawigan, Puerto Princesa City Government, partners mula sa pribadong sektor at Academe upang itaguyod at pangasiwaan ang matagumpay na pagsasagawa ng CEO Forum at LIVEX 2019.