Aborlan Rainbow Marketing Cooperative benepisyaryo ng isang 4-wheel drive farm tractor mula sa Pamahalaang Panlalawigan

Blog Single

Isang 4-wheel drive tractor na kumpleto sa kagamitan  (complete accessories)  na ipinagkaloob sa Pamahalaaang Panlalawigan ng Department of Agriculture, MIMAROPA Regional Field Office ang nakatakdang isalin ang pangangasiwa sa Aborlan Rainbow Marketing Cooperative. Ang pagkakaloob ng makinarya ay bahagi ng programa sa pagpapalakas ng Corn Productivity sa pamamagitan ng National Corn Program,

Sa ginanap na ika-140th regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ay ipinasa ang panukalanag resolusyon na nagpapahintulot kay Gobernador Jose Chaves Alvarez na pumasok sa isang kasunduan sa Aborlan Rainbow Marketing Cooperative na  may layuning palawakin at paunlarin ang produksyon ng  mais sa bayan ng Aborlan. Nakapaloob sa kasunduan ang pagkakaloob ng isang 4-wheel drive na traktora sa kooperatiba.

Ang ARMC ay isang rehistradong  kooperatiba na binubuo ng walumpung miyembro  na magsasaka na ang kalakal ay hindi lamang limitado sa mais. Nagtatanim din sila ng iba’t ibang produkto katulad ng palay, saging, at iba pa. Bukod dito, ang kooperatiba ay may karagdagang negosyo na  lending services. Ang Manager ng Kooperatiba ay si G. Godofredo Diploma at ang Chairman of the Board ay si G. Renato T. Lopez.

Inaasahan na ang bagong makinarya ay makakatulong sa kooperatiba sa pagpapalawak ng operasyon nito sa produksyon ng mais sa bayan ng Aborlan.