INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY (ICT) INITIATIVES NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PALAWAN, INILATAG

Standard Post with Gallery
Standard Post with Gallery

Inilatag ng E-Governance Office sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan ang Information and Communications Technology (ICT) Initiatives para sa Palawan sa taong 2019.

Kabilang sa mga ICT Initiatives ang isasagawang Palaweño ICT Association Membership Assembly, Data Privacy/Cyber Security Training-Workshop, Provincial Capitol Hackthon, Palawan ICT Council Ordinance, BIMP-EAGA Livex (Livelihood Exchange) at ang PGP ICT E-gov Awards kasabay ng National ICT Month.

Pagtutuunan din ng pansin ang ilang programa na may kaugnayan sa Entrepreneurship, Startup at Innovation gaya ng Palawan Innovation Challenge, E3 (Entrepreneurs Empowering Entrepreneurs) startup workshop at Southern Luzon Summit na dadaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

“Ngayon, more on robotics and artificial intelligence na tayo ayaw natin mapahuli gusto natin ma-develop ang skills lalo na ang mga taga-Palawan. Gusto natin maging entrepreneurial, innovative, at gumawa ng mga imbensyon na gawang Palaweño, yan ang gusto nating tahakin,” pagbibigay diin ni Jet Montablan, executive director ng Palaweño ICT Association.

Magiging katuwang naman ng Pamahalaang Panlalawigan ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at Department of Science and Technology (DOST) sa pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa Prototyping programs for local Innovations, Startup promotions at Promotion of 21st skills (robotics, coding, entrepreneurship, soft skills).

Samantala, isinagawa ngayong araw, ika-14 ng Enero, ang Consultative Meeting para sa pagbuo ng Palawan ICT Council. Tinalakay dito ang Digital Development Agenda kabilang ang pagpapaunlad ng IT-Business Process Management Industry (pagpapatayo ng IT Parks/Cyber Building), pagsuporta sa Homegrown Startups, pag-develop ng Mass Digital Talent, pagpapalakas ng Government-Industry-Academe Partnership at ang paggawa ng Smart/Digital City Masterplan.

“Kasi alam natin 20 years from now, puro technologies na tayo. So, ang pwede nating gawin ay ang palakasin ang ICT dito. Blessed naman tayo na kilala natin ang mga agencies na related sa ICT,” ayon kay Board Member Prince Demaala IV na tumatayong chairman ng Committee on ICT sa Sangguniang Panlalawigan.

Dumalo sa naturang pagpupulong ang mga representante mula sa Mindanao Development Authority, Palaweño ICT Association, City DepEd, Leadeana Group Holdings, Inc. at mula sa Pamahalaang Panlalawigan.